World Day Against Child Labor, maagang ginunita sa Negros Oriental

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi bababa sa 200 mga natukoy na child laborers mula sa Bais City, Negros Oriental ang binigyan ng kaalaman tungkol sa kanilang mga karapatan at mga pamaraan upang maprotektahan nila ang kanilang sarili laban sa mga pang-aabuso.

Ang mga partisipante ay ang mga child laborers na 15-17 taong gulang na na-profile at mino-monitor ng Department of Labor and Employment (DOLE) – VII.

Ang mga ito ay tinuruan kung paano nila ma protektahan ang kanilang sarili laban sa bullying, cybercrime at iba pang mga modus ng panloloko na kadalasang ginagawa sa pamamagitan ng internet.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng DOLE-VII bilang bahagi ng paggunita sa World Day Against Child Labor sa darating na June 12, 2023.

Ayon kay DOLE VII Director Lilia Estillore, mahalaga na maturo ito sa mga bata dahil sila ang madaling mabiktima ng mga pangaabuso lalo na online.

Nakibahagi rin sa selebrasyon ang Technical Educational Skills Development Authority (TESDA) at ang non government organization na Voice of the Free Philippines kung saan nagsagawa sila ng training assessment lectures sa mga magulang ng mga child laborers kaugnay sa pagpapalawak ng kanilang kasanayan at mga pagkakakitaan na maari nilang pasukin.

Isa sa mahalagang component ng pakikipaglaban sa child labor na programa ng DOLE ay ang pagbibigay ng kabuhayan sa mga magulang ng mga child laborers na tinatawag na DOLE Kabuhayan para sa Magulang ng Batang Manggagawa (KASAMA) sa ilaim ng DOLE Integrated Livelihood and Emergency Employment Program (DILEEP).

Kabilang rin sa mga isinagawang aktibidad ay ang libreng haircut na alok rin ng TESDA, feeding at pamimigay ng goodies sa mga bata, at mga Parlor Games na pinmangunahan naman ng Women and Children protection desk ng Bais City PNP.

Pinasalamatan naman ni Director Estillore ang mga naging katuwang ng DOLE sa pagpapatupad ng mga programa para sa mga child laborers sa Bais City.| ulat ni Angelie Tajapal| RP1 Cebu

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us