Maglulunsad ang Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO) – Regional Center for Innovative Educational Technology ng kauna-unahang Youth-led Summit ngayong Hunyo para isulong ang transformation ng edukasyon sa rehiyon.
Idaraos ito sa Quezon City sa June 27 hanggang June 28 kung saan magtitipon-tipon ang nasa 150 youth leaders mula sa 10 bansa.
Nakapaloob sa programa ang pagbabahagi ng innovations ng mga kabataan at pangungunahan ang proseso kung paano maitataguyod ang Youth Declaration sa silid-aralan, komunidad, at sa country levels.
Ayon kay INNOTECH Director at dating Education Secretary Leonor Briones, nakita ng mga kabataan ang mga hamon sa edukasyon at natukoy ang mga oportunidad para palakasin ito sa hinaharap.
Ilalatag ng youth innovators ang kani-kaniyang rekomendasyon pati na ang commitment para sa paghakbang tungo sa pagpapaigting ng edukasyon.
Imbitado rin sa pagtitipon ang Ministries of Education at iba pang development organizations upang tukuyin ang konkretong rekomendasyon sa working models.
Idinagdag ni Briones na sa ilalim ng kanyang pamumuno sa DepEd ay nakatutok ang mga programa para sa kapakanan ng mga guro kaya sa pagkakataong ito ay mapagtutuunan naman ng pansin ang mga kabataan. | ulat ni Hajji Kaamiño