Zero backlog sa agrarian reform cases, kayang maisakatuparan sa loob ng 6 na buwan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Positibo ang Department of Agrarian Reform (DAR) na kayang maabot ang zero backlog o magawang maresolba ang lahat ng pending agrarian cases sa loob ng anim na buwan.

Ito ayon kay DAR Undersecretary Nepoleon Galit ay sa oras na makumpleto na nila ang karagdagang 65 abugado na tututok sa mga kaso ng agawan ng lupa sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ng opisyal na nasa 3,600 ang pending unresolve cases ang kanilang naabutan sa tanggapan.

Sa loob aniya ng isang taon, halos isang libong kaso na rin ang kanilang naresolba.

At base sa kanilang assessment, kung ikukumpara sa nagdaang administrasyon pumapalo sa 250% ang kanilang resolution ng mga kaso.

“Medyo mabilis ang aming pacing ng aming deliberation para kung saka-sakali, percentage-wise kumpara sa nakaraan, nagkakaroon kami ng mga 250 to 300% resolution, batting average in cases.  Iyong nakaraang administrasyon, hindi namin sinisisi, gawa ng ang kanilang problema na kinaharap nila noon ay kinakaharap din namin sa ngayon  kakulangan ng mga abogado.” — Galit | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us