Simula ngayong linggo ay maaari nang makabili ng ₱38 kada kilo ng bigas sa mga Kadiwa stores.
Ito’y matapos lumagda sa kasunduan ang Philippine Rice Industry Stakeholders’ Movement (PRISM) at Department of Agriculture (DA) para magbenta ng murang bigas sa Kadiwa stores sa panahon ng lean months.
Pero ayon sa namamahala sa Kadiwa store sa Agribusiness Center ng DA sa Elliptical Road, wala pang abiso ang PRISM kung kailan magbabagsak ng kanilang pabigas.
Ayon sa DA magkasabay na ibebenta ang ₱25 at ₱38 na bigas.
Magsisilbing alternatibo ang bigas mula PRISM lalo at kada araw, nasa 50 katao lang ang kayang suplayan ng ₱25 na bigas.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas kay Rowena Sadicon, PRISM convener, kakarating lang ngayong umaga ng suplay ng bigas kaya’t hindi pa nasuplayan ang mga Kadiwa stores. | ulat ni Kathleen Jean Forbes