Tuloy-tuloy pa rin sa pagkakaloob ng titulo ng lupa ang Department of Agrarian Reform (DAR) para sa mga benepisyaryo nitong magsasaka.
Kamakailan lang, kabuuang 1,172 agrarian reform beneficiaries (ARBs) ang binigyan ng ahensya ng 1,229 individual electronic land titles (e-titles).
Ito ay sa ilalim ng Support to Parcelization of Land for Individual Titling (SPLIT) o Project SPLIT ng DAR.
Ayon kay DAR-Bicol Regional Director, Reuben Theodore C. Sinda, ang mga e-title ay sumasaklaw sa 1,977 ektarya ng mga lupang pang-agrikultura sa Albay, Camarines Sur I, Sorsogon, Masbate, Camarines Norte, at Catanduanes.
Bahagi pa rin ito ng direktiba ni Sec. Conrado Estrella III, na pabilisin ang paghahati-hati ng collective certificates of land ownership awards (CCLOAs) sa mga indibidwal na titulo para ipamahagi sa mga kwalipikadong magsasakang-benepisyaryo.
Sa paghahati-hati ng CCLOAs at pag-iisyu ng indibidwal na mga titulo, sinabi ni Sindac na ang mga benepisyaryo ay itatalaga sa kanilang mga lote, na nangangahulugan ng pagpapabuti ng kanilang seguridad sa pag-aari ng lupa at igiit ang kanilang karapatang magkaroon ng lupa. | ulat ni Merry Ann Bastasa
📷:DAR