130k na licensed nurses na walang trabaho nasa ibang sektor, pinahahagilap ng isang mambabatas sa DOH

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinayuhan ni Camarines Sur. Rep. LRay Villafuerte ang DOH na hanapin ang nasa halos 130,000 na lisensyadong nurse na posibleng walang trabaho o kaya naman ay nasa ibang sektor at himukin na magtrabaho sa healthcare facilities sa bansa.

May alinlangan kasi ang mambabatas sa plano ni Health Sec. Ted Herbosa na bigyan ng temporary license ang mga non-nursing board passers para punan ang kakulangan ng nurse sa mga pampublikong ospital.

Posible kasi aniya na imbis na makatulong ay mas makalala pa ang hakbang na ito.

“While we laud newly confirmed DOH secretary Health Secretary Ted for thinking out of the box in finding swift ways to reverse the worsening nursing shortage, I fear that the conditional hiring of unlicensed nurses or graduates who had flunked the professional board exams as a way to instantly fill up the increasing number of vacancies could, in the end, chip away at our vaunted healthcare system,” ayon sa kongresista.

Tinukoy ni Villafuerte na batay sa December 2021 data, nasa 124,000 registered nurse ang walang trabaho, underemployed, o pumasok sa non-nursing job.

Habang noong November 2022 at May 2023, 29,293 nursing graduates ang pumasa sa nursing board exam.

Kaya naman panawagan ng CamSur solon na hanapin ang mga ito at unahin silang ipasok para makapagtrabaho sa mga ospital.

“Nobody knows who among these 124,000 registered nurses as of end-2021 or the almost 30,000 new nursing board passers are still out of work or doing non-nursing jobs at this time. The DOH would do well to track them down and try convincing a sufficient number of the still unemployed among them to work in government hospitals, as a way to start reversing the worsening nursing shortage in the country.” dagdag ng kinatawan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us