1,329 pamilya na biktima ng lindol sa Makilala, Cotabato, makakabenepisyo sa proyektong pabahay ng NHA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinagawa ang groundbreaking at capsule-laying ceremony noong Huwebes July 13, 2023 para sa proyektong pabahay ng National Housing Authority (NHA), na nakalaan sa mga biktima ng lindol sa bayan ng Makilala probinsiya ng Cotabato.

Pinangunahan ang nasabing aktibidad ni NHA General Manager Joeben Tai para pormal na simulan ang pagtatayo ng mga kabahayan na para sa 1,329 pamilyang nawalan ng tahanan dulot ng magkakasunod na lindol noong 2019.

Nagkakahalaga ng P368-M ang nasabing proyekto sa ilalim ng NHA na ayon kay Tai, tatapusin ito sa loob ng 580 na araw sa siyam na construction sites.

Siniguro naman ni Tai na matibay ang itatayong pabahay at kayang malampasan ang mga kalamidad na gaya ng lindol.

Malaki naman ang pasasalamat ni Cotabato Gov. Emmylou Mendoza sa suporta ng national government upang maisakatuparan ang proyektong pabahay sa mga nasalanta ng lindol sa kanyang probinsiya. | ulat ni Macel Dasalla | RP1 Davao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us