2 pulis at isang suspek patay, 2 sugatan sa pananaga at pamamaril sa Davao City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patay ang dalawang pulis at isang suspek, habang sugatan naman ang dalawang iba pa, sa insidente ng pananaga at pamamaril sa Purok 4, Barangay Lacson, Calinan District, Davao City kahapon.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang mga nasawi na sina PCMS Tito Didal Lague at PCpl. Mark Anthony Elman Corsino, at ang isa sa dalawang suspek sa krimen na si Benao Maanib Landas.

Habang natukoy naman ang mga nasugatan sina PCpl. Ken Leo Diango Gumanoy at driver ng mobile na si Donald Ombrete.

Base sa inisyal na ulat, rumesponde ang mobile team ni Corporal Corsino sa komosyon dulot ng lalaking nagwawala na may hawak na bolo na si Benao Landas.

Habang pinakiusapang ibaba ang kanyang bolo, inatake ng suspek ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ni Corporal Corsino at pagkasugat ng driver ng mobile na si Ombrete.

May isa pang suspek na dumating sa crime scene na si Rico Masacay na kinuha ang baril ni Corporal Corsino.

Sa pagdating ng back-up police mobile nina PCMS Lague at Pcpl. Gumanoy, sila naman ang inatake ng mga suspek.

Nakaganti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng suspek na si Landas, pero nataga at napatay din si PCMS Lague, at sugatan naman si Cpl. Gumanoy.

Tumakas naman ang isa pang suspek na si Masakay, na nahuli din sa follow up operation. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us