28 bahay sa Antique, nasira dahil sa bagyong #EgayPH

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa datos ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Antique, nasa 28 na bahay sa lalawigan ang nasira dahil sa epekto ng bagyong Egay.

Nasa 27 na bahay ang partially damaged habang isang bahay naman ang totally damaged.

Sa nasabing numero; 11 ang naitala sa bayan ng Sibalom, 6 sa San Jose kasama na ang isang bahay na totally damaged, 5 sa San Remegio, 2 sa mga bayan ng Barbaza at Tobias Fornier, 1 sa Anini-y gayundin sa bayan ng Belison.

Samantala, umabot na sa 454 pamilya o halos 2,000 katao mula sa 55 barangay sa lalawigan ang apektado ng masamang panahon sa Antique kung saan 185 na pamilya dito ay nasa evacuation centers.

Sa 11:20 am advisory ng NDRRMC ngayong Miyerkules, Hulyo 26, nakataas ang orange rainfall warning sa Antique at Iloilo. | via Hope Torrechante | RP1 Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us