Muling nagpalabas ng show cause order ang Korte Suprema laban kay Public Attorney’s Office Chief, Atty. Percida Rueda – Acosta.
Sa inilabas na kautusan ng Supreme Court en banc, inaatasan si Acosta na ipaliwanag kung balkit hindi siya dapat parusahan dahil sa pagpapalabas ng PAO Office Order No. 96.
Magugunitang hiniling ni Acosta sa High Tribunal na ipabura ang Section 22 ng Canon Law ng Code of Professional Responsibility and Accountability, bagay na ibinasura naman ng SC.
Sa pahayag ng Supreme Court Public Information Office, nakita ng High Tribunal ang inilabas na Office Order ni Acosta bilang pagsuway at sagabal na nagdudulot ng pagbaba sa paggagawad ng katarungan.
Nauna nang humingi ng paumanhin si Acosta sa Korte Suprema hinggil sa kaniyag naging kautusan sa paliwanag na nais lamang nilang mabura ang naturang bersyon dahil sa conflict of interest.| ulat ni Jaymark Dagala