Inihayag ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan, na tatlong bagong infrastructure projects ang inaprubahan ng NEDA Board ngayong araw. Ito ay sa katatapos na 7th Meeting ng NEDA Board, kung saan Chairperson si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Ayon kay Balisacan, bukod sa tatlong bagong infrastructure projects ay inaprubahan din ng board ang ilang pagbabago sa apat na ongoing projects ng pamahalaan, partikular na sa disaster risk, reduction, climate change, irrigation, at transportation.
Kabilang sa tatlong proyekto na inaprubahan ang Solicited NAIA PPP Project, Samar Pacific Coastal Road II Project, at ang Unsolicited Laguindingan Airport PPP Project sa Misamis Oriental.
Kasabay nito ay kinumpirma rin ng NEDA Board ang pagpapatibay sa pagkakaroon ng polisiya kaugnay sa Infrastructure Sector Master Plans, na layong matiyak na ang master plans ay sumusunod sa prayoridad ng development strategies ng sektor. | ulat ni Diane Lear