3 foreign ambassadors, nag-courtesy call kay VP Sara; ugnayan ng tatlong bansa sa Pilipinas, nais palakasin

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakipagpulong kay Vice President Sara Duterte ang mga ambassador ng Chile, Canada, at Singapore sa Pilipinas kung saan pinuri at pinasalamatan nito mga Pilipino.

Kabilang sa mga natalakay sa serye ng courtesy calls ang kalagayan ng mga Overseas Filipino Worker sa nasabing mga bansa at ang pagnanais ng kanilang gobyerno na mapalakas pa ang relasyon sa Pilipinas.

Pinasalamatan ni VP Sara Duterte si Canadian Ambassador to the Philippines David Bruce Hartman matapos maisama ng kanilang gobyerno ang Pilipinas sa Electronic Travel Authorization program o ang visa waiver program.

Layon ng programa na mabigyan ang mas maraming Pilipino ng oportunidad na bumisita, mag-aral, at mag-negosyo sa Canada.

Ayon kay Hartman, dahil sa programang ito inaasahang nasa dalawang milyong mga Pilipino ang bibisita sa kanilang mga pamilya at kaibigan sa Canada.

Nagpasalamat din si Singaporean Ambassador to the Philippines Constance See Sin Yuan sa 200,000 mga Pilipino na naninirahan, nagta-trabaho, at nag-aaral sa kanilang bansa.

Sinabi naman ni Chilean Ambassador to the Philippines Alvaro Jara Bucarey na plano ng kanilang pamahalaan na palalimin at paigtingin pa ang ugnayan nito sa Pilipinas

Tiniyak naman ni Duterte na nakahandang tumulong ang Office of the Vice President upang paigtingin pa ang relasyon sa tatlong bansa. | ulat ni Diane Lear

📷: OVP

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us