355 na indibidwal, hired-on-the spot sa Mega Job Fair sa Caloocan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot sa 779 na mga aplikante ang lumahok sa Mega Job Fair ng Lokal na Pamahalaan ng Caloocan sa Bulwagang Katipunan.

Ayon sa Caloocan Public Employment Service Office o PESO, sa mahigit 700 na mga job seeker nasa 355 ang hired-on-the spot.

Nasa 57 mga kumpanya naman ang lumahok alok ang iba’t ibang trabaho gaya ng marketing assistant, receptionist, delivery driver, store supervisor, graphic staff, sales assistant, at iba pa.

Nagpasalamat naman ang lokal na pamahalaan sa PESO sa patuloy na pagsasagawa ng mga programa na magbibigay ng kabuhayan sa ating mga kababayan.

Tiniyak naman ng Caloocan LGU na ipagpapatuloy ang mga katulad na programa para mabigyan ng oportunidad ang mga walang hanap-buhay na magka-trabaho. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us