5 nalagdaang Letter of Intent sa State Visit ni Pangulong Marcos Jr. sa Malaysia, inaasahang lilikha ng maraming trabaho para sa mga Pilipino — DTI

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaasahang makakalikha ng maraming trabaho para sa mga Pilipino ang mga nalagdaang Letter of Intent (LOI) mula sa limang Malaysian companies matapos ang naging State Visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Malaysia, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Ayon kay DTI Secretary Alfredo Pascual, inaasahang aabot sa higit 8,000 trabaho ang malilikha sa oras na maisakatuparan ang mga investment na ito sa bansa.

Ang mga nasabing investment ay may kinalaman sa industriya ng food processing, multi-service digital platforms, aviation, aviation maintenance support service, logistics, manufacturing, infrastructure, at water and wastewater treatment.

Positibo rin ang kalihim, na ang mga nalagdaang LOI ay maisasakatuparan sa mga darating na buwan. Nakahanda rin ang DTI na tulungan ang mga investor sa kanilang investment plans.

Nakapag-uwi rin ng aabot sa US$285 milyong halaga ng investment pledges mula sa mga Malaysian businesses matapos ang naging state visit ng Pangulo sa Malaysia.

Noong 2022, pang 10 ang Malaysia sa pangunahing major trading partner ng Pilipinas at pang 11 naman pagdating sa export market. | ulat ni Gab Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us