Inanunsiyo ng Land Transportation Office (LTO) na hindi bababa sa 5,000 kopya ng driver’s license cards ang darating bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr.
Ayon kay LTO Officer-in-Charge Hector Villacorta, inaasahang maglalabas ng 15,000 hanggang 30,000 cards araw-araw sa loob ng 10 araw ang Banner Plasticard, Inc.
Bahagi ito ng pangako ng kumpanya na maghatid ng isang milyong cards sa susunod na 60 araw.
Ang unang batch ng license cards ayon kay Villacorta ay ipapamahagi sa mga overseas Filipino worker (OFW) at mga bagong driver’s license applicants.
Dagdag pa ni Villacorta, na maaari nang ma-access ng driver’s license holders ang kanilang electronic copies ng lisensya sa pamamagitan ng LTMS Portal. | ulat ni Rey Ferrer