7 transport groups, nangakong di makikilahok sa tigil-pasada sa July 24 — MMDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nangako ang nasa pitong transport groups sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi makikiisa sa tatlong araw na tigil-pasada na nakakasa sa July 24 hanggang July 26 na pangungunahan ng grupong Manibela.

Ito ang naging pahayag ng grupo sa kanilang naging pagpupulong kasama si MMDA Acting Chairperson Atty. Don Artes, at General Manager Undersecretary Procopio Lipana.

Sinabi ni Artes na regular ang konsultasyong ginagawa ng MMDA sa hanay ng mga transport groups anuman ang polisiyang ipatutupad dahil sila ang katuwang ng ahensya sa kaayusan ng kalsada na ipinagpapasalamat din ng transport group.

Hindi naman binanggit ni Artes kung anong transport group ang kinabibilangan ng nagpahayag ng pagtutol sa tigil-pasada.

Nagpasalamat din si Artes at Usec. Lipana sa commitment na ito ng transport groups. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us