8 sa 10 mga Pilipino, pabor sa pagbabalik ng summer break tuwing Abril at Mayo batay sa isang survey

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ibinahagi ni Senate Committee on Basic Education Chairperson Senador Sherwin Gatchalian ang resulta ng isang survey, na nagsasabing 8 sa 10 mga Pilipino ang nais na ibalik ang summer break ng mga estudyante sa buwan ng Abril at Mayo.

Ito ay batay sa isinagawang survey ng Pulse Asia na kinomisyon ni Gatchalian, at isinagawa noong June 19-23, 2023 sa 1,200 respondents.

Batay sa resulta, 80 percent ng mga kalahok ang sumasang-ayon, 11 percent ang hindi sigurado ang sagot habang 8 percent naman ang hindi sumasang-ayon.

Kaugnay nito, inihain ng senador ang Senate Resolution 672, para magkaroon ng Senate inquiry kung dapat bang ipagpatuloy sa panahon ng tag-init ang klase o dapat na bang ibalik sa dating school calendar ang pasukan.

Iginiit ni Gatchalian, na malinaw ang boses ng ating mga kababayan na nais nilang ibalik ang bakasyon ng mga estudyante sa buwan ng Abril at Mayo. Sa mga naunang pahayag, aminado si Gatchalian na sakaling ibalik sa dati ang school ang calendar ay mangangailangan uli ito ng panahon para unti-unting maipatupad. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us