8 sa 10 Pilipino, pabor sa pagbuo alyansa at palakasin ang ugnayan ng mga bansa para protektahan ang West Philippine Sea, ayon sa isang survey

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa 80 porsyento o 8 sa bawat 10 Pilipino ang pabor na bumuo ang Pilipinas ng isang alyansa at palakasin pa ang ugnayan nito sa ibang bansa upang protektahan ang karapatan ng bansa sa West Philippine Sea (WPS)

Batay ito sa isinagawang survey ng Pulse Asia sa isang forum ngayong hapon sa Makati City na may kugnayan sa ika-7 anibersaryo ng naipanalong kaso ng Pilipinas laban sa China hinggil sa agawan ng teritoryo sa WPS.

Isinagawa ang survey mula Hunyo 19 hanggang 23 na nilahukan ng may 1,200 respondents.

Kaugnay nito, 72 porsyento ng mga respondent ang nagsabi na dapat palakasin ng Pilipinas ang Armed Forces of the Philippines (AFP).

Nasa 64 porsyento naman ng mga respondent ang nagsabing dapat magsagawa ng Joint Maritime Patrols at Military Exercise ang Pilipinas sa mga kaalyadong bansa.

Habang 61 porsyento naman ang nagsabing dapat maglaan ng karagdagang resources ang pamahalaan upang palakasin pa ang kakayahan nito na ipagtanggol ang bansa mula sa panlabas na banta.| ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us