ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo, ipinagpasalamt ang tuluyang pagkakabasura sa disqualification case laban sa kanya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinalugod ni ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) en banc na tuluyang ibasura ang motion for reconsideration na inihain kaugnay sa disqualification case laban sa kanya.

Kung matatandaan, una nang ibinasura ng COMELEC second division ang naturang disqualification case.

Ayon kay Tulfo, answered prayer ang desisyon na ito ng poll body.

Pinasalamatan din niya ang COMELEC sa masusing pagdinig sa naturang disqualification case.

“Ang masasabi ko lang, salamat. First of all, I guess prayers answered by God. Pangalawa po is to thank the COMELE en banc for the decision. They really looked at it carefully. Thirdly, now is the part of learning and working at the same time. Kailangan e. There’s no more time to learn lang. While you learn [you have] to work also.” sabi ni Tulfo sa panayam ng Radyo Pilipinas.

Dahil naman dito, ay tuluyan nang makikibahagi si Tulfo sa mga pulong at sesyon ng Kamara.

May 30 ay nanumpa na si Tulfo bilang bagong miyembro ng House of Representatives, ngunit hindi pa mapahintulutang makibahagi sa mga sesyon dahil sa naturang disqualification case.

Dahil naman dito ay makadadalo na ang mambabatas sa pagbubukas ng 2nd regular session ng 19th Congress at ikalawang State of the Nation Address ng Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. sa July 24. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us