Nakahanda ang mga tauhan at kagamitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tumugon sa anumang emergency na dulot ng bagyong Egay.
Ito ang tiniyak ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa gitna ng bantang pananalasa ng super typhoon sa Babuyan Islands at Cagayan ngayong araw.
Bilang paghahanda, minobilisa kahapon ang mga tropa at kagamitan ng 525th Engineer Combat Battalion (525ECBn) ng 51st Engineer Brigade (51EBde) sa Camp Atienza, Libis, Quezon City.
Kumpleto ang mga tropa sa Disaster Response Operations TEAs (Tools, Equipment, Accessories) para sa posibleng deployment upang tulungan ang mga stranded na pasahero, at magsagawa ng rescue, relief at clearing operations, sa mga lugar na apektado ng bagyo. | ulat ni Leo Sarne
📸: 525th Engineer Combat Battalion