Nagsagawa ng debris clearing ang Municipal Disaster Risk Reduction ang Management Office (MDRRMO) Agno, Pangasinan sa Balincaguing River upang maalis ang mga debris na inanod ng ilog dahil sa bagyong Dodong.
Ayun sa Agno MDRRMO, kadikit na ng Ilog Balincaguing ang pagiging catch basin ng mga debris na inaanod kapag nagkakaroon ng malalakas na pag-ulan.
Nasasagap umano ng ilog ang lahat ng debis, kabilang ang mga basura, hindi naisalbang kagamitan sa pagbaha at mga punong kahoy na siyang dahilan ng pagbabaha sa ilang bahagi ng bayan.
Nanawagan naman ang Agno MDRRMO na maging displinado lalo na sa pagsinop ng mga basura na maaaring maanod sa ilog at maging dahilan ng pagbaha. | ulat ni Ricky Casipit | RP1 Dagupan