Albay solon, pinuri ang pagpapalabas ni PBBM ng Executive Order 32

Facebook
Twitter
LinkedIn

Welcome para kay Albay 2nd District Representative Joey Salceda ang paglalabas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Executive Order No. 32 na magpapabilis sa paglalabas ng permit para sa konstruksyon ng mga telecommunications at internet infrastructure sa bansa.

Ayon sa mambabatas, nang maglabas ng kautusan ang Duterte administration para pabilisin ang Tower Permitting Policy, ay napataas nito ang internet speed noong mga taong 2020 hanggang 2022 ng hanggang 140% at napababa rin ang presyo nito ng hanggang 41%.

Kaya naman masasabi aniyang nasa tamang direksyon ang hakbang na ito ng Chief Executive.

“The expedited Tower Permitting Policy boosted internet speeds between 2020 and 2022 by 140%, while reducing prices by as much as 41%. Rarely do we do something right by way of policy. And it’s an excellent move on the part of PBBM that he saw the wisdom in reviving it,” saad ni Salceda.

Naniniwala rin ang economist-solon na kasama ito sa mga maaaring ibida ni PBBM sa kaniyang State of the Nation Address (SONA).

Sa ilalim ng Executive Order No. 32, bubuo ng isang pinadaling panuntunan para sa paglalabas ng permit o mga dokumento para sa konstruksyon ng mga telco at internet infrastructure.

Inaatasan rin ng EO ang lahat ng lungsod at munisipalidad na mag set-up ng one-stop shop para sa construction permits, na magbibigay ng frontline services sa mga aplikante, na naglalakad ng building permits at iba pang related certificates.

Mungkahi naman ni Salceda na para mas mapag-ibayo ito ay amyendahan ang Building Code upang atasan ang mga condominium na maglaan ng espasyo para sa telecommunications facilities. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us