Nagpahayag na ng pagkabahala ang Estados Unidos sa tinawag nitong “unprofessional maneuvers” ng China Coast Guard laban sa Philippine Coast Guard.
Sa Tweet ni US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson, banta sa seguridad at legal rights ng Pilipinas ang iresponsableng ikinilos ng China sa West Philippine Sea.
Nanawagan rin ito sa China na sundin ang international law, kabilang na ang 2016 Arbitral Ruling na naipanalo ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration bilang panimula sa pag-abot ng isang bukas at malayang Indo-Pacific Region.
Nauna nang nagpahayag ng pagkabahala ang bansang Japan kung saan sinabi nito na nakakaapekto ang ikinikilos ng China sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon. | ulat ni Gab Humilde Villegas