Antas ng tubig sa Angat Dam, mas mataas pa rin sa minimum operating level nito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nadagdagan na naman sa magdamag ang antas ng tubig sa Angat Dam.

Batay sa pinakahuling update ng PAGASA Hydro-Meteorological Division, as of 6am ay naitala sa 180.94 meters ang lebel ng tubig, mas mataas kumpara sa 180.67 meters water elevation nito kahapon.

Ilang araw nang mas mataas ito sa minimum operating level ng dam na 180 meters.

Kung susumahin, halos tatlong metro na ang naidagdag sa level ng tubig ng dam mula noong July 15.

Inaasahan din ng PAGASA Hydromet na magtuloy-tuloy sa mga susunod na araw ang pagtaas ng antas ng tubig sa Angat Dam dahil sa inaasahang mga pag-ulan bunsod ng mga umiiral na weather system.

Bukod sa Angat Dam, nadagdagan din ang lebel ng tubig sa Pantabangan at Magat Dam habang nabawasan naman ang water elevation sa Ipo Dam, La Mesa, Ambuklao, Binga, San Roque at Caliraya Dam. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us