Apat na milyong kabataang Pinoy, nakinabang sa Supplementary Feeding Program

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sumampa na sa halos na apat na milyon ang bilang ng kabataang Pilipino na nakinabang sa tuloy-tuloy na supplementary feeding program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) mula 2021 hanggang nitong June 30.

Katuwang dito ng DSWD ang mga lokal na pamahalaan na layong matugunan ang malnutrisyon sa mga kabataan.

Ayon sa DSWD, ang patuloy na implementasyon ng Supplementary Feeding Program (SFP) ay isa sa mga marching order ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa kanyang unang SONA noong 2022 para masiguro ang kapakanan ng mga kabataan.

“As the marching order of the President, the DSWD will ensure that children will continue to enjoy the benefits of nutritious food under the SFP by regularly securing funding for its implementation. This is anchored on the President’s vision of a hunger-free Philippines by 2027,” DSWD Secretary Rex Gatchalian.

Bahagi rin aniya ito ng kontribusyon ng DSWD Early Childhood Care and Development (ECCD) Program ng pamahalaan na nakaangkla sa Republic Act No. 11037 o ang “Masustansyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act.”

Sa ilalim ng SFP, nagbibigay ang DSWD ng masusustansyang pagkain sa mga estudyanteng naka-enroll sa Day Care Centers at Supervised Neighborhood Play.

Bukod sa SFP, isa pa sa ipinatutupad na programa ng DSWD ang Bangsamoro Umpungan sa Nutrisyon (BangUN) Project para sa mga kabataan at mga buntis sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us