Aprubadong investments sa bansa sa unang kalahati ng 2023, umabot na sa halos ₱700-B

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa ₱698 bilyon ang halaga ng investments na inaprubahan ng Board of Investments (BOI) para sa first half ng 2023.

Ito ay mas mataas ng 203 percent kumpara sa ₱230 bilyong halaga ng investments sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

60 porsyento ng investments na naaprubahan ay foreign investments na nagkakahalaga ng ₱423 bilyon habang ₱275 bilyon naman ang local investments.

Karamihan ng mga foreign investment na ito ay nagmula sa mga bansang Germany, Singapore, The Netherlands, France, at Estados Unidos.

Kalakhan rin ng mga foreign investment na ito ay para sa Renewable Energy, Information Technology, Transportation and Storage, Manufacturing, at Agriculture.

Inaasahan naman ng BOI na patuloy ang pagpasok ng investments sa bansa para sa buong 2023.

Ayon kay DTI Secretary Alfredo Pascual, ang pagtaas ng bilang ng investments approvals ay sumasalamin sa ‘attractiveness’ ng Pilipinas bilang isang investment destination.

Target naman ng BOI na magkaroon ng P1.5 trilyong halaga ng investment approvals para sa taong 2023. | ulat ni Gab Humilde Villegas

📷: BOI

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us