ASEAN Ladies Foundation, magdaraos ng ASEAN Food Festival bilang pagdiriwang ng ASEAN Day

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magdaraos ang ASEAN Ladies Foundation Inc. ng taunang ASEAN Food Festival sa darating na August 6, bilang pagdiriwang ng ASEAN Day sa August 8.

Ang nasabing aktibidad ay gagawin sa Music Hall ng SM Mall of Asia sa Pasay City kung saan tampok ang mga signature dishes ng ASEAN cuisine. Itatampok rin sa nasabing aktibidad ang mga textiles at fashion accessories mula sa ASEAN region pati na rin ang mga cultural performances

Ngayong taon, inimbitahan ng ASEAN Ladies Foundation ang Embahada ng Korea para lumahok sa nasabing Food Festival upang pagyamanin pa ang matatag na economic at cultural ties sa pagitan ng mga ASEAN Member States at mga dialogue partners nito.

Inaasahang dadalo rin sa nasabing selebrasyon sina ALF Chairperson Madame Pamela Louise Manalo, ALF President Madame Ranny Agus Widjojo, mga Board Members ng foundation, mga Ambassador mula sa mga ASEAN Missions mga dignitaries, at iba pang mga panauhin.

Libre at bukas sa publiko ang nasabing pagtitipon.| ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us