Asiana Airlines, nagsimula na ang direct flights mula South Korea patungong Bohol

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsimula na kaninang madaling araw ang unang flight ng Asiana Airlines mula Incheon, South Korea patungong Panglao, Bohol.

Dumating sa Bohol Panglao International Airport (BPIA) ang Asiana Airlines Flight OZ 7093 kaninang 12:13 ng madaling araw, lulan ang 177 na mga pasahero.

Sinalubong nina BPIA Acting Airport Manager Anghelo Ibanez, mga opisyal mula sa lokal at pamahalaang panlalawigan, local media, at airline executives.

Ayon kay Ibanez, tuwing araw ng Miyerkules at Sabado ang magiging flight ng Asiana Airlines patungong Bohol at layon pang palakasin ang direct flights patungong Bohol sa hinaharap.

Ang patuloy na pagtaas ng bilang ng flights patungong Bohol, lalo na ang international flights ay nagpapakita ng pagtaas sa demand ng mga pasahero, at mga turistang bumibisita sa lalawigan na magreresulta sa paglakas ng economic activities sa lalawigan. | ulat ni Gab Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us