Back-to-School at Palarong Pambansa Shoe Bazaar, binuksan sa Marikina City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binuksan na ngayong araw ang Back-to-School at Palarong Pambansa Shoe Bazaar na matatagpuan sa Multi-Level Parking Building, Brgy. Sta. Elena malapit sa Marikina City Hall.

Pinangunahan nina Marikina City Vice Mayor Marion Andres at mga konsehal ng lungsod ang pagpapasinaya sa naturang bazaar.

Dumalo rin ang mga kinatawan mula sa Philippine Footwear Federation Inc., mga kinatawan mula sa lokal na industriya ng sapatos, at ilang opisyal mula sa ibang lokal na pamahalaan.

Sa bazaar na ito, nakabibili ng mura pero de kalidad na Marikina-made genuine footwear products mula sa 46 participating brands mula sa lungsod.

Ang mga produkto ay maaaring gamitin ng mga magbabalik-eskwela at souvenir items ng mga bisitang lalahok sa nalalapit na pagbubukas ng Palarong Pambansa 2023.

Bukas ang nasabing shoe bazaar araw-araw, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi tuwing Lunes hanggang Huwebes, at mula alas-9 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi tuwing Biyernes hanggang Linggo.

Tatagal ang shoe bazaar hanggang August 27, 2023.| ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us