Customize Consent Preferences

We use cookies to help you navigate efficiently and perform certain functions. You will find detailed information about all cookies under each consent category below.

The cookies that are categorized as "Necessary" are stored on your browser as they are essential for enabling the basic functionalities of the site. ... 

Always Active

Necessary cookies are required to enable the basic features of this site, such as providing secure log-in or adjusting your consent preferences. These cookies do not store any personally identifiable data.

No cookies to display.

Functional cookies help perform certain functionalities like sharing the content of the website on social media platforms, collecting feedback, and other third-party features.

No cookies to display.

Analytical cookies are used to understand how visitors interact with the website. These cookies help provide information on metrics such as the number of visitors, bounce rate, traffic source, etc.

No cookies to display.

Performance cookies are used to understand and analyze the key performance indexes of the website which helps in delivering a better user experience for the visitors.

No cookies to display.

Advertisement cookies are used to provide visitors with customized advertisements based on the pages you visited previously and to analyze the effectiveness of the ad campaigns.

No cookies to display.

Baclaran Church, ipinapanukalang maging heritage site at tourist destination

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matapos ideklara ng National Museum ang Baclaran Church bilang isang “important cultural property,” naghain si Senador Jinggoy Estrada ng panukalang batas para hirangin ang National Shrine of Our Mother of Perpetual Help (Baclaran Church) at ang lugar sa paligid nito bilang isang heritage site at tourist destination.

Sa kanyang Senate Bill 2278, sinabi ni Estrada na bahagi na ng ispiritwal na buhay ng mga Pilipino ang simbahan ng Baclaran, at parte na rin ito ng makasaysayang tradisyon ng mga Katoliko sa bansa lalo na ang mga naninirahan sa Metro Manila at mga kalapit na lugar.

Sa paghirang dito bilang isang heritage site at tourist destination, aatasan ang Department of Tourism (DOT) na makipagtulungan sa National Historical Commission of the Philippines (NHCP), Department of Public Works and Highways (DPWH), Lokal na Pamahalaan ng Parañaque, at iba pang kinauukulang ahensya na maglatag ng plano para mapaunlad ang turismo sa lugar.

Kasama sa plano na ito ang pagtatayo, paglalagay, at pagpapanatili ng angkop na pasilidad at imprastruktura upang mapahusay ang kabuuan ng paligid ng Baclaran Church, at tiyakin ang accessibility at seguridad ng mga turista.

Ayon kay Estrada, ang pondo para sa implementasyon ng tourism development plan ay isasama sa budget ng Parañaque LGU.

Bukod dito, ang DOT ay magbibigay ng teknikal na tulong sa tourism capacity building at isasama ang Baclaran Church sa mga programa nito sa pambansa at rehiyonal na promosyon.

Sisiguruhin naman ng ipinapanukalang batas, ang paglagak ng pondo para sa tourism development at posibleng dagdagan pa ito ng DOT mula sa kanilang sariling pondo. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us