Nagpapatuloy ang paghahanda ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Bacnotan, La Union para sa posibleng epekto ng bagyong Egay.
Nagpulong ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Council at sila’y nagsagawa ng Pre-Disaster Risk Assessment.
Nakibahagi sa pagpupulong si Vice Mayor Francis Fontanilla bilang kinatawan ni Mayor Divine Fontanilla.
Pinangunahan ito ni Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer Romel Montipalco, kasama ang Department of Interior and Local Government, Bacnotan Police at Fire Station.
Naka-alerto na rin ang bawat barangay para sa posibleng epekto ng bagyo.
Patuloy ang pagpapaalala ng lokal na pamahalaan sa mga residente para manatiling alerto at ligtas laban sa banta ng kalamidad. | ulat ni Glenda Sarac | RP1 Agoo