Nagbigay ng hot meals ang Bacolod City Police Office sa mga residenteng apektado ng Bagyong #EgayPH sa Bacolod City.
Ang pagbibigay ng hot meals ay pinangunahan ni BCPO Director P/Col. Noel Aliño kasama ang ibat ibang istasyon ng Bacolod City Police Office.
Mahigit kumulang 370 residente sa dalawang evacuation centers sa syudad ang nabigyan ng hot meals ng BCPO.
Ayon kay Col. Aliño, ito ay isang paraan ng kapulisan na makapagbigay ng tulong sa simpleng pamamaraan nila at kamustahin ang mga residenteng apektado ng bagyo.
Ang pagbibigay ng hot meals ay bahagi ng BCPO Feeding Program o B-FEED Program na isa sa kanilang best practices na naglalayong maabot ang mga residenteng nagugutom at nangangailangan ng tulong at para palakasin pa ang magandang samahan ng kapulisan at ng mga residente ng Bacolod City.
Nagpapasalamat naman ang mga residente sa hot meals na ibinigay ng BCPO.| ulat ni Paul Tarrosa| RP1 Iloilo