Bagong Agrarian Emancipation Act, ‘di unfair para sa prompt loan payers na mga magsasaka

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi maituturing na unfair ang bagong Agrarian Emancipation Act para sa mga magsasaka na nakabayad ng kanilang obligasyon sa tamang oras.

Sa press briefing sa Malacañang, ipinaliwanag ni DAR Secretary Conrado Estrella III, na mayroong insentibong ibinibigay ang pamahalaan para sa mga maagang nakabayad ng kanilang obligasyon.

Halimbawaw dito ang mas maraming support services.

Paglilinaw pa ng kalihim, magkaiba ang panahon noon, sa kasalukuyan.

“Nagkaroon pa ng distribution ngunit hindi natin siguro masisi sila dahil gusto lang nilang i-accelerate ang pagdi-distribute ng certificate of land ownership awards kaya nag-distribute sila ng collective CLOAs na walang namang parcelization. Ang ibig sabihin nun parcelization is ‘yung doon sa isang titulo, halimbawa na for 200 hectares, nakalagay doon lahat ng may-ari. Siguro mga 200 din ang may-ari doon ngunit hindi sinabi: Juan, dito ka sa  paanan ng bundok; Pedro, dito ka sa tabi ng ilog. Walang ganoon. Walang nangyaring parcelization.” —Secretary Estrella

Mas madali aniyang makabayad ng obligasyon noon, habang sa ngayon marami na ang nagbago.

Nagmahalan na aniya ang farm inputs at farm machineries, na sinabayan pa ng pagtama ng pandemiya.

“Iyon din nagkaroon ng confusion at hindi rin na-update ang payment of amortization fees. Lahat ‘yan pinagsama-sama, mahirap nang mangolekta. Mas magiging magastos pa sa pamahalaan ang mangolekta kaysa ang ibigay na lang natin na libre ang lupa. Kaya hindi naman unfair. Makikinabang naman silang lahat.” —Secretary Estrella | ulat nI Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us