Maituturing na gabay para sa maayos na pamamahala sa bansa ang bagong brand ng governance at leadership ng administrasyon na “Bagong Pilipinas” ayon kay Senador Jinggoy Estrada.
Ggiit ni Estrada, ang bagong brand na ito ay hindi lang basta tungkol sa image-building.
Kalakip aniya nito ang pagpapatupad ng mga polisiya at inisyatibo na nagtataguyod ng transparency, paglaban sa korapsyon at pagpapaangat ng buhay ng mga Pilipino.
Dinagdag rin ng senador na magsisilbi rin itong guidepost o vision para sa isang bagong pilipinas…na isang bansang bukas sa positibong pagbabago at progresibong pamamahala.
Iginiit pa ni Estrada na kailangan ng bansa ang gobyerno na responsive, accountable, at dedicated sa kapakanan ng taumbayan.
sa kabilang banda, sinabi ni Senador Risa Hontiveros na hindi naman slogan lamang ang kailangan upang matiyak ang maayos na pamamahala sa bansa.
Ayon kay Hontiveros na dapat naglatag muna ng mga magaganda at epektibong programa na nararamdaman ng taumbayan.| ulat ni Nimfa Asuncion