Naging matagumpay ang isinagawang Media Launch para sa ika-38 na Kadayawan Festival isinagawa sa Seda Hotel sa Bajada, lungsod ng Davao.
Sa nasabing aktibidad, ipinakita na sa publiko ang official logo ng kapiyestahan na inilarawang minimalist na may tribal design na nagpresenta sa labing isang tribu at masaganang ani ng lungsod.
Sinabi naman ni City Administrator Atty. Mark Francis Layog na nasa P65 million ang kabuuang budget para sa festival ngayong taon kung saan P12 million nito ay mula sa trust fund ng Kadayawan.
Ang ika-38 Kadayawan Festival ay may temang Colors of Abundance, Vibrance of Diversity, Festival of Festivals.
Samantala, pormal na magbubukas ang kapiyestahan sa Agosto 10, 2023.| ulat ni Sheila Lisondra| RP1 Davao