Bagong LTO Chief, nangakong pabibilisin ang trabaho sa ahensya

Facebook
Twitter
LinkedIn

May bago pinuno ang Land Transportation Office sa katauhan ni LTO Assistant Secretary Vigor Mendoza II.

Matapos makapanumpa kay Transportation Secretary Jaime Bautista, tiniyak nito sa publiko ang mahusay na serbisyo sa ilalim ng kanyang pamumuno sa ahensiya.

Sinisiguro din nito ang pagtugon sa iba’t ibang concern ng publiko, kabilang ang kakulangan sa mga license card at mga backlog ng motor vehicle plates.

Determinado siyang tulungan ang kalihim ng DOTr sa tulong din ng publiko para agad maisakatuparan ang mga dapat gawin.

Aniya, hindi kailangang magsayang ng oras sa dami ng kailangang gawin sa ahensiya at sa dami ng kailangan maayos. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us