Nadagdagan pa ang ayuda na inilaan ng Office the House Speaker at Tingog party-list para sa mga sinalanta ng bagyong Egay.
Mula sa ₱117 million na tulong ay umakyat ito sa ₱128 million na pinagsamang relief packs at financial assistance.
₱23.5 million ay mula sa personal calamity fund ng House Speaker at ang ₱105 million naman ay katuwang ang DSWD.
Mula sa orihinal na walong lalawigan ay kasama na rin sa mga paaabutan ng tulong ang Baguio City.
₱500,000 na cash assistance, ₱1 million na halaga ng relief goods o katumbas ng 1,250 food packs at ₱10 million na AICS ang ipagkakaloob sa lungsod. | ulat ni Kathleen Jean Forbes