Bagyong Egay, lumakas pa at isa nang super typhoon — PAGASA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot na sa ‘Super Typhoon’ Category ang binabantayang bagyong Egay na tinutumbok ang Northern Luzon.

Sa 8am weather forecast ng PAGASA, huling namataan ang mata ng bagyo sa layong 310 kilometro silangan ng Tuguegarao City, Cagayan

Taglay nito ang matinding hangin na umaabot sa 185 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong 230 kilometers per hour.

Dahil dito, nakataas pa rin ang Signal No. 3 sa mga sumusunod na lugar:

Babuyan Islands, northern at eastern portions ng Mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Peñablanca, Gattaran, Lal-Lo, Alcala, Santa Teresita, Buguey, Aparri, Camalaniugan, Ballesteros, Allacapan, Abulug, Claveria, Pamplona, Sanchez-Mira, Santa Praxedes, Lasam, Baggao, Amulung, Iguig), northeastern portion ng Isabela (Divilacan, Maconacon, Palanan), at northern portion ng Apayao (Calanasan, Luna, Santa Marcela, Flora, Pudtol).

Nasa Signal no. 2 naman ang lalawigan ng Batanes, natitirang bahagi ng mainland Cagayan, natitirang bahagi ng Isabela, Quirino, northern portion ng Nueva Vizcaya (Kasibu, Quezon, Diadi, Bagabag, Ambaguio, Villaverde, Solano, Bayombong), natitirang bahagi ng Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, northern portion ng Benguet (Bakun, Mankayan, Buguias, Kabayan, Kibungan), Ilocos Norte, Ilocos Sur, at northern at central portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao).

Ang Signal No. 1 naman ay nakataas sa mga lugar ng:

La Union, Pangasinan, natitirang bahagi ng Benguet, natitirang bahagi ng Nueva Vizcaya, natitirang bahagi ng Aurora, Zambales, Bataan, Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Rizal, Laguna, Cavite, Batangas, Quezon, Marinduque, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Burias Island, Ticao Island at maging sa Northern Samar.

Ayon sa PAGASA, inaasahang magdadala ng mga pag-ulan ngayong araw ang bagyong Egay at habagat sa Luzon, Visayas, Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, at northern portions ng Northern Mindanao at Caraga.

Batay naman sa track forecast ng bagyo, inaasahang magla-landfall ito o dumaan sa Babuyan Islands-Northeastern Mainland Cagayan area mamayang gabi o bukas. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us