Napanatili ng Typhoon Egay ang lakas nito habang nasa kagaratan pa rin ng Cagayan
Batay sa 8am weather update ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa coastal waters ng Aparri, Cagayan.
Taglay nito ng lakas ng hanging aabot sa 175 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong 240 km/h.
Kumikilos pa rin ito pa-kanluran, timog-kanluran sa bilis na 15 km/h.
Nananatili pa rin naman sa Signal No. 4 ang
northern portion ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Buguey, Santa Teresita, Camalaniugan, Santa Praxedes) kabilang ang Babuyan Islands, northern portion ng Apayao (Calanasan, Luna, Santa Marcela), at northern portion ng Ilocos Norte (Burgos, Bangui, Dumalneg, Pagudpud, Adams, Pasuquin, Vintar, Bacarra).
Nasa Signal No. 3 naman ang Batanes, nalalabing bahagi ng Cagayan, nalalabing bahagi ng Apayao, northern portion ng Kalinga (Rizal, Pinukpuk, Balbalan), northern portion ng Abra (Tineg, Lagayan, Lacub, Danglas, Bangued, La Paz, San Juan, Dolores, Tayum, Lagangilang, Malibcong, Licuan-Baay, Peñarrubia, Pidigan, Langiden, San Quintin, Bucay, San Isidro, Sallapadan), nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, at northern portion ng Ilocos Sur (Magsingal, San Juan, Cabugao, Sinait, San Vicente, Santo Domingo, San Ildefonso, Bantay, Santa Catalina, City of Vigan, Caoayan, Santa, Nagbukel, Narvacan).
Nasa ilalim naman ng Signal No. 2 ang Isabela, nalalabing bahagi ng Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, nalalabing bahagi ng Abra, nalalabing bahagi ng Ilocos Sur, La Union, at northern maging western portions ng Pangasinan (Sison, San Jacinto, Pozorrubio, San Fabian, Dagupan City, Calasiao, Binmaley, Lingayen, Bugallon, Mabini, Labrador, Infanta, Dasol, Burgos, Agno, City of Alaminos, Sual, Anda, Bolinao, Bani, San Manuel, Binalonan, Laoac, Manaoag, Mangaldan, Mapandan, Santa Barbara, San Nicolas).
At, Signal No. 1 sa Aurora, Quirino, Nueva Vizcaya, nalalabing bahagi ng Pangasinan, Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Zambales, Bataan, Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, northern portion ng Batangas (Talisay, City of Tanauan, Santo Tomas, Balete, Malvar, Lipa City), northern at central portion ng Quezon (Pitogo, Calauag, Infanta, Lopez, Guinayangan, Unisan, Plaridel, Quezon, Alabat, Padre Burgos, Mauban, General Nakar, Perez, Agdangan, Gumaca, Atimonan, Real, Tagkawayan, Lucena City, Pagbilao, Lucban, Sampaloc, City of Tayabas, Dolores, Sariaya, Candelaria, Tiaong, San Antonio) kabilang ang Polillo Islands, Camarines Norte, northern portion ng Camarines Sur (Siruma, Tinambac, Goa, Lagonoy, Caramoan, Cabusao, Sipocot, Garchitorena, Ragay, Del Gallego, Calabanga, Presentacion, Lupi), at northern portion ng Catanduanes (Pandan, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Caramoran).
Nananatili pa rin ang banta ng storm surge sa mga low-lying at coastal areas ng Batanes, at Cagayan habang nakataas rin ang Gale Warning sa ilang karagatan at seaboards ng Luzon at Visayas.
Ayon sa PAGASA, may posibilidad pa ring muling mag-landfall ang bagyong Egay sa northwestern Cagayan.
Inaasahan namang lalabas ng PAR ang bagyo bukas ng umaga. | ulat ni Merry Ann Bastasa