Bangkay ng lalaking nalunod sa Luna, La Union, natagpuan na sa bayan ng Balaoan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Natagpuan kaninang umaga sa Almeida, Balaoan, La Union ang bangkay ng lalaking nalunod sa Darigayos, Luna, La Union kahapon Hulyo 14, 2023.

Ayon kay Mr. Daniel Vincent Ragca, staff ng MDRRMO-Balaoan, natagpuan ang bangkay ng biktima kaninang 6:15am, Hulyo 15, 2023.

Nakilala ang biktima na si Mark Anthony Areola Carig, 26, at residente ng Poblacion, Bacnotan, La Union.

Batay sa impormasyong nakalap ng Radyo Pilipinas-Agoo, nalunod ang biktima habang ito’y lumalangoy sa Darigayos, Luna, La Union, bandang 12:45PM kahapon.

Agad nagsagawa ng search and retrieval operations ang mga otoridad ngunit hindi nila nahanap ang biktima hanggang sa natagpuan ang palutang-lutang na bangkay nito sa Balaon, La Union kaninang 6:15AM. | ulat ni Glenda Sarac | RP1 Agoo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us