Nais ng bansang France na madagdagan pa ang maritime interaction sa Pilipinas para sa pagsusulong ng kapayapaan sa Indo-Pacific Region.
Ayon kay outgoing French Ambassador to the Philippines Michele Boccoz, nais ng kanilang bansa na mas mapalawak pa ng dalawang bansa ang pagkakaroon ng mas maraming maritime interactions para sa pagsusulong ng kapayapan sa sa karagatan ng Indo-Pacific Region.
Dagdag pa ni Boccoz na naglagay ang kanilang bansa ng resident defense attache sa Pilipinas sa pagpapakita nito ng pasuporta sa ating bansa.
Saad pa ni Boccoz na nais nilang papuntahin ang flagship aircraft carrier ng kanilang bansa na Charles de Gaulle sa darating na 2025.
Matatandaang una nang pumunta ang French Navy Destroyer Lorraine sa Pilipinas para sa isang goodwill visit noong nakaraang taon. | ulat ni AJ Ignacio