Nakahandang tumulong ang Bangsamoro Government sa Philippine National Police (PNP) para tugisin ang dating Vice Mayor ng Maimbung, Sulu na si Pando Mudjasan.
Inihayag ito ni Bangsamoro Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim sa kanyang courtesy visit kay PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr kanina.
Ayon kay Ebrahim, mayroon silang mga mekanismo sa ilalim ng peace process para magkaroon ng konkretong tulungan sa pagitan ng PNP at ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Bagaman aminado si Ebrahim na nasa transition period pa ngayon ang Bangsamoro Government, tiniyak pa rin nito ang kanilang pakikiisa sa pagpapatupad ng peace and order sa rehiyon.
Patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad si Mudjasan matapos ang engkwentro sa pagitan ng kanyang mga tauhan at tropa ng pamahalaan noong nakaraang buwan na ikinasawi ng isang pulis at ikinasugat din ng ilan pang mga pulis at sundalo. | ulat ni Jaymark Dagala