Batas para sa regulasyon ng motorcycle-for-hires, dapat nang mapagtibay — Rep. Paolo Duterte

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinamamadali na ni Davao City 1st District Representative Paolo Duterte ang pagpasa sa panukalang batas para sa regulasyon ng motorcycles-for-hire.

Kasunod ito ng panawagan ng transport advocates, na itaas ang cap sa bilang ng mga motorcycle taxi na maaaring mag-operate salig sa pilot run program kung saan nasa 45,000 participants lang.

Ayon kay Duterte, inabot na ng apat na taon ang naturang pilot study sa pagpapahintulot ng operasyon ng motorcycle taxis ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin malinaw na rekomendasyon.

Sa ilalim ng pilot study, tatlong kumpanya lang ang pinayagan na makasali.

Dahil naman dito napipilitan aniya ang mga pasahero, na sumakay kahit sa mga iligal o kolorum na habal-habal dahil sa kulang ang motorcycle taxi na pumapasada at nagbibigay serbisyo.

“As a result, the number of ‘habal-habal’ rides, or those motorcycles-for-hire operating outside the purview of the pilot study conducted by the LTFRB, has continued to increase. Passengers who cannot book through motorcycle-hailing apps authorized by the LTFRB because of the lack of available rides are left with no option but to patronize these illegal habal-habal and compromise their safety,” ayon kay Duterte.Sa kasalukuyan, nasa 15 panukalang batas para sa operasyon at regulasyon ng motorcycle taxi ang nakahain sa Kamara, kasama na ang House Bill 4470 ni Duterte, at nakabinbin pa rin sa technical working group. “The long-term solution to this valid point raised by transport advocacy groups is a law that will regulate the operations of motorcycles-for-hire. The bills filed for the purpose of regulating this cheap and convenient mode of transportation will also ensure that all riders are properly screened and trained, and will follow the speed limit mandated under the measure to ensure the safety of their passengers,” dagdag ng mambabatas. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us