Nangunguna ang Munisipalidad ng Calanogas sa mga bayan dito sa Lanao del Sur na may pinakamahusay na kasanayan sa kalusugan laban sa malnutrisyon sa mga bata.
Ito ang naging pahayag ni Dr. Nihaya Macasindil ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) ng Lanao del Sur sa isinagawang kick-off ceremony ng National Nutrition Month ngayong July 5, 2023 sa nasabing lugar.
Samantala, bukod sa feeding program na isinagawa, nagbigay din ang IPHO ng oral hygiene kits sa mga batang lumahok. Ang mga bata, kasama ang kanilang mga ina, ay binigyan din ng mga leksyon tungkol sa nutrisyon at kahalagahan ng balanseng diyeta.
Higit pa rito, hinikayat ni Dr. Raquelina A. Benito, District Chief Hospital, ang mga magulang na magtanim ng mga gulay para sa kanilang sariling pagkonsumo dahil idiniin niya na ang pagiging malusog ay nagsisimula sa kani-kanilang tahanan at proteksyon mula sa mga nakakahawang sakit.| ulat ni Johaniah Yusoph| RP1 Marawi