BI, nabisto ang illegal recruitment scheme na target ang mga dating OFW

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nabisto ng Bureau of Immigration ang isa umanong illegal recruitment scheme na target ang mga dating Overseas Filipino Workers.

Kabilang na rito ang kaso ng isang 37 taong gulang na Pilipina na naharang ng mga tauhan ng Immigration sa NAIA Terminal 1 matapos nitong magtangka na lumabas ng bansa sakay sana ng isang flight patungong Doha, Qatar.

Batay sa imbestigasyon ng Bureau of Immigration, lumalabas na iligal na ni-recruit ang Pinay para magtrabaho bilang isang household service worker sa Dubai.

Sinabi rin nito na wala siyang kumpirmadong employer at ipoproseso lamang ang kanyang dokumento pagdating sa naturang bansa.

Samantala, isa ring babaeng OFW ang napaulat na naharang sa NAIA Terminal 1 kung saan ay nagsabing siya ay isang returning worker sa Riyadh at bumibiyahe lamang patungo sa Dubai.

Sa record na ipinakita ng naturang biktima, siya ay na-recruit ng kahalintulad na modus sa pamamagitan ng isang advertisement na nakita sa Tiktok.

Itinurn-over na ang naturang mga kaso sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa legal na aksyon laban sa mga recruiter na responsable sa nasabing modus. | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us