Inilagay na sa Red Alert Status, ang Regional Disaster Risk Reduction Management Operation Center ng RDRRMC Bicol dahil sa banta ng Bagyong Egay. Salig ito sa Memorandum Number 55 series of 2023 na may lagda ni OCD Bicol Regional Director Claudio L. Yucot.
Lahat na miyembro ng konseho lalong lalo na ang response clusters na binubuo ng health, food and non- food items, camp coordination and management, protection, emergency telecommunications, law and order, logistics, search, rescue and retrieval, debris clearing, at management of dead and missing.
Bawat cluster dapat magbigay update at status report sa konseho. Kasama rito ang papapalikas sa mga nakatira sa high-risk areas na tukoy ng bawat LGU ukol sa banta ng pagbaha, malakas na pag-ulan, hangin, storm surge, pagguho ng lupa at banta ng lahar flow sa mga river channel sa paligid ng Bulkang Mayon.
Lahat na response unit, dapat handa sa kaukulang deployment sa kani-kanilang area of responsibility sa anim na lalawigan sa rehiyon. | ulat ni Nancy Mediavillo | RP1 Albay