Nakapagtala ng nasa mahigit tatlong milyong international tourist arrivals ang Department of Tourism (DOT) sa unang pitong buwan ng 2023.
Batay sa tala sa DOT as of July 19, nasa 3,000,079 na ang naitalang tourist arrivals mula January hangang July 19 ngayong taon.
Kung saan sa naturang bilang ay 91.36 percent dito ay mula sa international foreign tourists at 8.64 percent dito ay mula naman sa ating overseas Filipino workers.
South Korea ang nanguna sa mga bansang may pinakamaraming foreign tourists na umabot sa mahigit 745,000, sumunod ang Estados Unidos na nakapagtala ng mahigit 550,000, Austrailia naman ang pumangatlo na nasa 146,000, habang pang-apat ang bansang Japan na nasa mahigit 143,000 tourist arrivals.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, magandang indikasyon ito sapagkat mas maraming trabaho ang maibibigay sa ating mga kababayan at ganun din sa magiging paglago ng ekonomiya sa ating bansa.
Dagdag pa ni Frasco na hindi titigil ang kanilang kagawaran sa paghihikayat ng foreign tourists na bumisita sa bansa. | ulat ni AJ Ignacio