BIR, pinalawig ang deadline sa pagkuha ng bagong “Notice to Issue Receipts/Invoices”

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinalawig pa hanggang Setyembre 30 ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang deadline para sa pagkuha ng bagong ‘Notice to Issue Receipts/Invoices’ (NIRI).

Ang NIRI ay obligado na i- display sa business establishment ng taxpayer kapalit ng lumang “Ask for Receipt” Notice.

Ito ay isang reminder sa mga may ari ng negosyo na palaging mag-isyu ng resibo/invoices para sa pagbebenta ng mga serbisyo at kalakal, hiniling man ito o hindi ng mga bumibili.

Para makakuha ng NIRI, kailangan munang mag-fill out ng S1905-Registration Update Sheet ang mga taxpayer.

Kailangan nilang i-update ang kanilang email address na gagamitin ng BIR bilang karagdagang opsyon sa paghahatid ng mga opisyal na order, abiso, liham, komunikasyon, at iba pang proseso sa taxpayers.

Sabi pa ng BIR, sinuman na mabigong kumuha ng NIRI ay mapapatawan ng multa na hindi hihigit sa P1,000 alinsunod sa section 275 ng Tax Code. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us