Umaasa si Senadora Grace Poe na hindi na muulit ang pagkakamaling ginawa ng advertising agency sa inilabas na promotional video ng Department of Tourism (DOT) sa bagong tourism slogan ng Pilipinas.
Ito lalo na aniya sa isang ahensyang gaya ng DOT na pinagkakatiwalaan ng taumbayan.
Giit ni Poe, parang na-scam ang bansa sa lumabas na advertisement.
Pinunto ng senadora na kailangang mayroong katotohanan sa advertising.
Nakakadismaya aniyang maging ang gobyerno ay nagiging biktima ng mga pagkakamali sa marketing campaign na layon sanang itaguyod ang kakaibang karakter, natural na kagandahan at cultural attractions ng bansa.| ulat ni Nimfa Asuncion