Bolinao Falls at Patar Public Beach sa Bolinao, Pangasinan, nananatiling sarado sa publiko dahil sa sama ng panahon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pansamantalang sarado ang pamosong Bolinao Falls at Patar Public Beach sa Bolinao, Pangasinan sa lahat ng turista at bisita ngayong araw ika-29 Hulyo 2023.

Ang advisory ay nilabas ng Bolinao Tourism Office dahil sa alalahanin sa kaligtasan na dulot ng above-normal water level, at malalakas na alon at agos sa Patar Beach bunsod ng sama ng panahon na nararanasan ng lalawigan ng Pangasinan.

Dagdag dito, humingi ng paumanhin ang Bolinao Tourism Office sa anumang abala na dulot ng pagsasara at taos-puso nagpapasalamat sa pang-unawa habang inuuna ang kaligtasan ng lahat ng mga bisita. | ulat ni Ricky Casipit | RP1 Dagupan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us